Wednesday, February 22, 2012

Aishite Imasu, Hime-Ai


Chapter 2

Nagtungo ang dalawa sa pamilihang bayan. Ang daming tao dito at pawang mga abala.
Seichang: Naru,ang abala yata ng mga tao ngayon. Parang may okasyon?
            Nakaupo sila sa bench sa gitna ng parke.Ngumiti si Naru at…
Naru: Nakalimutan mo na yata,Seichang. Next week na ang Village festival natin. Alam mo naman na                    maaga pa lang ay abala na ang mga tao.
Seichang: Oo nga,Naru. Tamang-tama pala ang pag-uwi ko dito.
            Napansin nila ang tatlong ale na nag-uusap sa di kalayuan. Malalakas ang mga boses nito kaysa sa ingay ng paligid.
Ale(1): Oo,mga mare at nakita ng asawa ko ng tinangka niyang manguha ng prutas para sa hapunan                     namin.
Ale(2): Pero paanong nagkaroon ng prinsesa sa kagubatan natin? Napaka imposible niyon.
Ale(3): Ngunit gayon din ang sinasabi ng mga malapit sa gubat.
            Napatingin si Seichang kay Naru ng may pagtataka.
Seichang: Naru, anong prinsesa ang sinasabi nila? May prinsesa sa gubat?
            Natatawang sinagot siya ni Naru.
Naru: Isa lang yung usap-usapan. Hindi ako naniniwalang may prinsesa sa gubat kahit marami ng                         nagkukwento ukol dito na nakakita sila.  Isa pa lang yang tsismis.
            Tumama na sa kanila nag sikat ng araw.
Naru: Halika na,Naru. Baka hinahanap na tayo ni lola.
            Tumayo na sila at naglakad pabalik sa tahanan.


Kakatapos lang maligo ni Seichang at kasalukuyang nagpupunas ng katawan sa harap ng bintanang kaharap ng daan patungo sa gubat. Katanghaliang tapat kaya’t patuloy na kumikinang ang mga dahon at ang mismong daan.
Seichang: Talagang napakaganda ng kagubatan.
            Biglang naalala ni Seichang ang nakaraan.

                ((( Flashback )))

            Puro tawanan ang maririnig habang naglalakad ang mga batang lalaki papuntang gubat. Nahuhuli naman sa pila ang isang batang lalaki na tahimik at nakayuko. Nilapitan ito ng batang si Seichang.
Seichang: Kiro, halika sabay na tayo,haha!
            Iniangat ni Kiro ang mukha niya at tumitig muna sandali kay Seichang saka tipid na ngumiti. Mula noon ay naging magkaibigan na sila. Lumipas ang mga araw at madalas ng hindi pumapasok si Kiro. Isang araw ay tinanong niya ito.
Seichang: Kiro,bakit absent ka nung mga nakaraang araw?
Kiro: Hindi ko nga alam kung bakit di ako pinapapasok ni Mommy sa school eh. Sabi niya di daw ako                  makakapasok.
Seichang: Ganun ba? Wala tuloy akong kalaro.
            Nag-isip si Seichang at…
Seichang: Halika,Kiro maglaro tayo mamaya sa gubat pag-uwian na. May natuklasan kasi akong    napakagandang lugar dun eh.
            Tila nag-isip si Kiro…
Kiro: Baka hanapin ako nila mama kapag hindi agad ako umuwi…pero………..sige. hahaha!
            Natapos ang klase at…naglalakad na ang dalawa sa gubat..

Itutuloy...

Aishite Imasu, Hime-Ai


Chapter 1

Napakagandang tanawin ang patuloy na rumerehistro sa bintana ng bus na napagmamasdan ni Seichang. Nakagagaan ng pakiramdam para sa kanya ito at isa pa, namimiss na niya ang kanyang ‘hometown’. Isang ngiti ang mamamalas sa maaliwalas niyang mukha. Maya maya’y maririnig niya ang malakas na usapan sa likod niya. Dalawang babae ang patuloy na nag-uusap
Babae(1): Iyon na nga. Walang nakakaalam kung sino ang prinsesang nakatira duon.
Babae(2): Pero paanong------------------------
            Naputol ang pagkukwentuhan ng dalawa dahil huminto na ang bus. Bumaba na ang excited na si Seichang upang makita ang lola at ang ilang taon ng lugar kung saan siya lumaki. Namataan niya agad ang kanyang lola at ang pinsang si Naru na kasing-edad niya rin. Agad na lumapit siya sa mga ito.
Naru: seichang! Ang tagal na nating di nagkita ah?
            Niyakap niya nag Lola Yumi niya at sa pinsang si Naru.
Lola Yumi: Oo nga apo, e halina at magpahinga ka na sa bahay.
Seichang: Halina ho,Lola.
            Masayang nagkwentuhan ang tatlo hanggang makarating ng tahanan.
            Simple lang ang kanilang dating tahanan. Sa likod nito ay ang gubat ng kanilang bayan.
            Patuloy pa rin ang kwentuhan hanggang sa hapag-kainan.
Lola Yumi: Mabuti,Seichang at naisipan mong magbakasyon dito.
Seichang: Opo Lola, simula na ho ng summer at namimiss ko na kayo. Anim na taon na ang nakakaraan                   mula ng lumipat ako ng paaralan. Ahmmm ngapala, Naru, nandito na ba sila Kiro?
Naru: E… simula noong umalis ka, di na sila bumalik eh, hindi ko na nakikita dito. Namimiss mo ang                        kaibigan mong yon ano?
Seichang: Oo naman.
Lola Yumi: Ang dami mong ala-alang naiwan dito,apo. Masaya ako at hindi ka nakakalimot.
Seichang: Opo naman,Lola.
Lola Yumi: Halina’t lumalalim na ang gabi. Magpahinga na tayo.
Seichang at Naru: Opo,Lola.
            Nakahiga si Seichang at hindi makatulog sa kalagitnaan ng gabi.
            Kinabukasan…
            Lumabas si Seichang ng bahay. Maaliwalas na umaga ang bumungad sa kanya. Preskong hangin na banayad na humahaplos sa kanya at nag-aawitang mga ibon. Walang nagbago sa paligid kahit matagal na siyang nawala. Bigla na namang pumasok sa isip niya ang kaibigan at kababatang si Kiro. Nagulat siya ng biglang tinapik ni Naru sa balikat.
Naru: Hey, Ohayou! Seichang ang aga mong nagising. Gusto mo bang mamasyal?
Seichang: Ohayou! Sige, Naru. Ang ganda ng araw ngayon eh.

     Siguro tama sila. Tama na kapag lumubog na ang araw eh tapos na tong araw na to. Madilim na at ibang iba sa nakikita kapag maliwanag ang lahat. Pero sa tingin ko, itong araw lang naman na to yung natapos eh, at hindi yung buhay. Hanggat naniniwala kang sisikat muli ang araw, nandon ang liwanag nito upang iparamdam sayo na "Heto na ko. Halika na, may pag-asa pa."

An Irony of Being Me


They say life isn’t fair. Well yes I know that. So all of you here should feel blessed and be thankful. You know I want to make this speech inspirational or somewhat funny but I can’t seem to have that positive thing this time around.
                        Let’s go to the main topic of this speech. I hate myself. Why? Discrimination, expectation, being judged, being bullied. Maybe some of what I’ve said is just normal but having all of these at the same time and still happening, could that be normal? My parents love me so much, so much that I love them too more than my life. Raised religiously, I also learn to love the one who give me life, God. But as I grew up, questions sprout one by one on my young mind. Questions that are far too different from other kid’s questions. “Hey why are you always with the girls?” “Hey why are you wearing those fancy accessories?” “Hey why are you shaking your hips whenever you walk?” “Oh! Do you really like ‘HIM’? Ah, you’re gay.” Gay. They say I’m a gay. At first it didn’t bother me since I don’t know what is being gay and I know I’m just acting of who I really am but as time pass by, the real harsh world uncovers its face upon me. A day won’t last without me being bullied just because I’m gay, different, alien, abnormal, sinner. They all say that. Pretty good childhood huh? Well, life isn’t finished adding some spice. I’m the only son, and the only grandson of our happy big family which means that I’m the only one carrier of my family name so they expect me to continue it. Another thing, my grandfather is the Barangay Captain. He succeeded and barangay people loved. So, they look forward for my grandfathers’ next generation of leader. Mix all of these and the finished potion is what they call hatred. Not for God, for you or for anyone else. It’s for me. I hate everything about me. The mere fact that I want to be normal in God’s eyes and in everyone’s eyes. The mere fact that I don’t want my parents got ashamed of me just because of who I really am. The mere fact that I want to reach others expectation about me for the sake of my family honor. The mere fact that I don’t want others to have sinned because of me just because I am gay because they bully me. And, the mere fact that I want to be happy. Happy because I am myself, I am accepted and experiencing normal life.
                        I don’t suggest suicidal attempt for those who are thinking how hard it is being me. In the first place, I still love life, even if it’s the one who are giving reasons for me to hate it. It is because I love God, my parents who loved me unconditionally, my friends and the ones who loves me. It’s just that I hate myself but I love life. Confusing? Well that’s an irony of being me.
              Hello! Napakasaya ko kasi may blog na ko. :) I just wanna share myself to everyone and have friends and followers. hehe hirap nun ah? Ganbatte! Thanks po sa mga possible visitors maligaw lang kayo hehe. Expecting myself too na marami akong ipopost. Ja'ne! Have a nice day ahead sa lahat. :)

My Love Ghost


                     Nagkwento yung teacher namin na may mga babae daw na estudyante may far right ng school building namin sa may hagdan dun papuntang parking lot na gabi-gabi e naghihintay dun sa multo ng isang lalaking estudyante na paulit-ulit na bumabalik doon. Pinalabas na kami at nasa garden. Kwentuhan kami at bigla nakita ko yung isa kong bestfriend. E di Masaya ako. Tapos nakita ko rin yung isa ko pang bestfriend sa second floor. E di Masaya ako at gusto ko silang makasabay pauwi. E di masaya akong umakyat papuntang second floor at marami akong nakitang mga dating kaklase sa iba’t ibang room. E di nagbatian kami. Yung dati kong classmate, si Arianne hiniram yung cellphone ko at pumayag naman ako. E di tuloy na ko dun sa may isa kong bestfriend. Sabi niya e baka matagal pa sila dahil sa project. Lumipas ang oras nakalimutan ko na yung napahiram kong cellphone. Nakita ko maggagabi na. Nagmadali ako dahil baka wala na sila Arianne na nasa Ground Floor kanina. Nilibot ko lahat ng room sa second floor at halos wala ng tao. Bumaba ako at nilibot yung ground floor. Wala na at napunta na ko sa sa far right sa may hagdan at umaasang nandoon si Arianne. Haysst ang dilim at naalala ko yung kwento ni sir dahil nakita ko nga yung apat na babaeng estudyante na nasa gilid ng hagdan at medyo madilim na parte. Alam ko na yung dahilan bakit sila nandun pero naitanong ko na rin. Sabi ko,”Ano pong ginagawa nyo dyan.” Sumagot ang iba dito,”may hinihintay lang kami.” Pagkatapos ay tumungo na ko paakyat ngunit may napansin akong aninong mabilis na dumaan sa may parking lot. Nasabi ko na lang bigla,”Ayan na siya.” At umakyat na ko ng hagdan. Pero may naramdaman ako sa likod ko. Tumingin ako at paakyat na nga ang isang anino ng lalaki. Halos malampasan na ko nito sa bilis nito. At nasa unahan ko na siya at lumingon ito kaya’t napahinto ako. Inangat nito ang mukha nito at isang maaliwalas na mukha ang tumambad sa akin at napakagandang ngiti. “Hi!”,ani nito. Nataranta ako at nagulat. Gumanti ako ng Hi. Di ko akalaing hindi ito nakakatakot at napakagwapo nito. Mukha itong hindi multo. Sumabay ito sa paglakad ko at biglang sinabing,”Gusto mo kwentuhan muna tayo?”  Alam kong dapat akong matakot pero wala akong ganitong nararamdaman at sinasabi ng isip ko na hindi ka dapat matakot. Pumayag ako at umakbay ito at mabilis na nakarating kami sa far left ground floor hagdanan. Wala pa yung isang segundo. Napakasaya niyang kasama kasi masiyahin ito at nakangiti palagi. Komportable ang pakiramdam ko pag kasama siya. Walang duda kung bakit may mga babaeng fans at admirer ito na gabi-gabi naghihintay. Bigla itong nagtanong kung may stuff toy ba ako na katulad ng bigla niyang nilabas mula sa kung saan. Ang cute nito at medyo malaki. Wala akong ganito at alam ko na kaya niya ito tinatanong dahil hinahanap niya yung dati niyang kababata na pinagbigyan niya ng katulad nitong stuff toy. Umiling ako pero hindi man lang ako nakakita ng kalungkutan sa kanyang mga mata dahil lagi itong nakangiti at nakagagaan ng loob. Tumagal ang mga sandali at bigla kong sinabi na maari ko ba siyang mayakap. Masaya itong tumugon at sa oras na nangagdikit ang aming mga katawan ay naramdaman ko ang kakaibang lungkot na naghahari sa kanyang kamalayan. Kung gaanong nakakahawa ang napakasaya nitong awra ay mas nakahahawa ang matinding lungkot na nararamdaman nito. Sa mga oras na naghiwalay ang aming katawan ay..
..nagising na ako sa panaginip.