Wednesday, February 22, 2012

Aishite Imasu, Hime-Ai


Chapter 1

Napakagandang tanawin ang patuloy na rumerehistro sa bintana ng bus na napagmamasdan ni Seichang. Nakagagaan ng pakiramdam para sa kanya ito at isa pa, namimiss na niya ang kanyang ‘hometown’. Isang ngiti ang mamamalas sa maaliwalas niyang mukha. Maya maya’y maririnig niya ang malakas na usapan sa likod niya. Dalawang babae ang patuloy na nag-uusap
Babae(1): Iyon na nga. Walang nakakaalam kung sino ang prinsesang nakatira duon.
Babae(2): Pero paanong------------------------
            Naputol ang pagkukwentuhan ng dalawa dahil huminto na ang bus. Bumaba na ang excited na si Seichang upang makita ang lola at ang ilang taon ng lugar kung saan siya lumaki. Namataan niya agad ang kanyang lola at ang pinsang si Naru na kasing-edad niya rin. Agad na lumapit siya sa mga ito.
Naru: seichang! Ang tagal na nating di nagkita ah?
            Niyakap niya nag Lola Yumi niya at sa pinsang si Naru.
Lola Yumi: Oo nga apo, e halina at magpahinga ka na sa bahay.
Seichang: Halina ho,Lola.
            Masayang nagkwentuhan ang tatlo hanggang makarating ng tahanan.
            Simple lang ang kanilang dating tahanan. Sa likod nito ay ang gubat ng kanilang bayan.
            Patuloy pa rin ang kwentuhan hanggang sa hapag-kainan.
Lola Yumi: Mabuti,Seichang at naisipan mong magbakasyon dito.
Seichang: Opo Lola, simula na ho ng summer at namimiss ko na kayo. Anim na taon na ang nakakaraan                   mula ng lumipat ako ng paaralan. Ahmmm ngapala, Naru, nandito na ba sila Kiro?
Naru: E… simula noong umalis ka, di na sila bumalik eh, hindi ko na nakikita dito. Namimiss mo ang                        kaibigan mong yon ano?
Seichang: Oo naman.
Lola Yumi: Ang dami mong ala-alang naiwan dito,apo. Masaya ako at hindi ka nakakalimot.
Seichang: Opo naman,Lola.
Lola Yumi: Halina’t lumalalim na ang gabi. Magpahinga na tayo.
Seichang at Naru: Opo,Lola.
            Nakahiga si Seichang at hindi makatulog sa kalagitnaan ng gabi.
            Kinabukasan…
            Lumabas si Seichang ng bahay. Maaliwalas na umaga ang bumungad sa kanya. Preskong hangin na banayad na humahaplos sa kanya at nag-aawitang mga ibon. Walang nagbago sa paligid kahit matagal na siyang nawala. Bigla na namang pumasok sa isip niya ang kaibigan at kababatang si Kiro. Nagulat siya ng biglang tinapik ni Naru sa balikat.
Naru: Hey, Ohayou! Seichang ang aga mong nagising. Gusto mo bang mamasyal?
Seichang: Ohayou! Sige, Naru. Ang ganda ng araw ngayon eh.

No comments:

Post a Comment