Wednesday, February 22, 2012

Aishite Imasu, Hime-Ai


Chapter 2

Nagtungo ang dalawa sa pamilihang bayan. Ang daming tao dito at pawang mga abala.
Seichang: Naru,ang abala yata ng mga tao ngayon. Parang may okasyon?
            Nakaupo sila sa bench sa gitna ng parke.Ngumiti si Naru at…
Naru: Nakalimutan mo na yata,Seichang. Next week na ang Village festival natin. Alam mo naman na                    maaga pa lang ay abala na ang mga tao.
Seichang: Oo nga,Naru. Tamang-tama pala ang pag-uwi ko dito.
            Napansin nila ang tatlong ale na nag-uusap sa di kalayuan. Malalakas ang mga boses nito kaysa sa ingay ng paligid.
Ale(1): Oo,mga mare at nakita ng asawa ko ng tinangka niyang manguha ng prutas para sa hapunan                     namin.
Ale(2): Pero paanong nagkaroon ng prinsesa sa kagubatan natin? Napaka imposible niyon.
Ale(3): Ngunit gayon din ang sinasabi ng mga malapit sa gubat.
            Napatingin si Seichang kay Naru ng may pagtataka.
Seichang: Naru, anong prinsesa ang sinasabi nila? May prinsesa sa gubat?
            Natatawang sinagot siya ni Naru.
Naru: Isa lang yung usap-usapan. Hindi ako naniniwalang may prinsesa sa gubat kahit marami ng                         nagkukwento ukol dito na nakakita sila.  Isa pa lang yang tsismis.
            Tumama na sa kanila nag sikat ng araw.
Naru: Halika na,Naru. Baka hinahanap na tayo ni lola.
            Tumayo na sila at naglakad pabalik sa tahanan.


Kakatapos lang maligo ni Seichang at kasalukuyang nagpupunas ng katawan sa harap ng bintanang kaharap ng daan patungo sa gubat. Katanghaliang tapat kaya’t patuloy na kumikinang ang mga dahon at ang mismong daan.
Seichang: Talagang napakaganda ng kagubatan.
            Biglang naalala ni Seichang ang nakaraan.

                ((( Flashback )))

            Puro tawanan ang maririnig habang naglalakad ang mga batang lalaki papuntang gubat. Nahuhuli naman sa pila ang isang batang lalaki na tahimik at nakayuko. Nilapitan ito ng batang si Seichang.
Seichang: Kiro, halika sabay na tayo,haha!
            Iniangat ni Kiro ang mukha niya at tumitig muna sandali kay Seichang saka tipid na ngumiti. Mula noon ay naging magkaibigan na sila. Lumipas ang mga araw at madalas ng hindi pumapasok si Kiro. Isang araw ay tinanong niya ito.
Seichang: Kiro,bakit absent ka nung mga nakaraang araw?
Kiro: Hindi ko nga alam kung bakit di ako pinapapasok ni Mommy sa school eh. Sabi niya di daw ako                  makakapasok.
Seichang: Ganun ba? Wala tuloy akong kalaro.
            Nag-isip si Seichang at…
Seichang: Halika,Kiro maglaro tayo mamaya sa gubat pag-uwian na. May natuklasan kasi akong    napakagandang lugar dun eh.
            Tila nag-isip si Kiro…
Kiro: Baka hanapin ako nila mama kapag hindi agad ako umuwi…pero………..sige. hahaha!
            Natapos ang klase at…naglalakad na ang dalawa sa gubat..

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment